2014 GAWAD TANGI FOR FILMS WINNERS

Published Hunyo 22, 2014 by putrizk

 

Kritiko ng Pelikula, Telebisyon at Musikang Pilipino

Gawad Tangi for Film.

 

Here are the WINNERS for the 2014 Gawad Tangi for Film:

BEST PICTURE

Norte, Hangganan Ng Kasaysayan

Image

*Kahanga-hanga ang pagtatagpi-tagpi ng mga elemento sa pelikula. Matapang na nailahad ang pagiging BRUTAL at PAGHAHAMON*

BEST LEAD ACTRESS

Cherie Gil (Sonata)

Image

*Nailabas ng pangunahing aktres ang ang kanyang kadalubhasaan sa kanyang karakter bilang isang opera star, sa mas epektibong paglalaro at pagsasanib ng SINING at ARTE*

BEST LEAD ACTOR

Joel Torre (On The Job)

Image

*Naideliber ng pangunahing aktor ang kanyang karakter bilang si Tatang ng buong TIGAS at NAKASUSUKLAM. Kapani-paniwala ang kanyang kilos, salita at imahe bilang isang beteranong killer*

BEST SUPPORTING ACTRESS

Angel Aquino (Ang Huling Cha Cha Ni Anita)

Image

*Tagumpay na nagawa ng katuwang na aktres ang kanyang ambag sa pelikula. Epektibo ang halo-halong EMOSYON ng kanyang karakter bilang si Pilar*

BEST SUPPORTING ACTOR

Junjun Quintana (A Philippino Story)

Image

*Naipakita ng katuwang na aktor ang kasimplehan ng pagganap subalit lutang na lutang ang LALIM ng pagkatao at KATOTOHANAN sa kanyang karakter*

BEST DIRECTOR

Lav Diaz (Norte, Hangganan Ng Kasaysayan)

Image

*Naipakita ng direktor ang tunay na DRAMA ng buhay, ang tunay na KANSER ng ating kasaysayan sa malikhaing pagpapahayag*

BEST SCREENPLAY

On The Job (Erik Matti and Michiko Yamamoto)

*Nakapagpakita ng mas maraming GALAW at istrakturang sumasalamin sa KARANASAN. Pamilyar ang tema subalit puno ng KAABANG-ABANG na eksena*

BEST CINEMATOGRAPHY

Norte, Hangganan Ng Kasaysayan (Lauro Rene Manda)

*Mahusay na nailarawan sa pamamagitan ng kamera ang KALAGIMAN  at KAPUSUKAN sa mga eksena, matagumpay na nailahad sa epektibong pag-iilaw ang PAGBABAGO ng lipunan*

BEST ART DIRECTION

Porno (Adolf Alix Jr. and Bobet Lopez)

*Ramdam na ramdam ang DUMI ng pook, tagpuan at kapaligiran na naayon sa tema ng pelikula*

BEST EDITING

Transit (Benjamin Tolentino and Hannah Espia)

*Napalitaw ng editor ang malikhaing pagpapalawak ng ORAS at PANAHON sa pelikula. Buhay na buhay ang kalawakan ng mga eksena sa dayuhang bansa.

BEST ORIGINAL SCORE

Riddles Of My Homecoming (Gauss Obenza)

*Pinatingkad ng orihinal na musika ang damdamin at atmospera ng pelikula. Nakatulong ang paggamit ng MALALIM na musika para lumutang ang katauhan ng LUMAD sa kwento*

BEST ORIGINAL SONG

Huwarang Kabataan (Pedro Calungsod, Batang Martir by Fatima Soriano)

*Tugma ang orihinal na awitin sa tema ng pelikula. Umaayon ang MENSAHE ng awiit sa naging BUHAY ni San Pedro Calungsod na pinatingkad pa ng mala-anghel na boses ni Fatima*

BEST ADAPTED SONG

Scared To Death (Tuhog by KZ Tandingan)

*Naaayon ang awitin sa kahulugan at paglalarawan ng KAMATAYAN at muling PAGKABUHAY na nilalaman ng pelikula*

BEST SOUND

On The Job (Corinne de San Jose)

*Buhay na buhay ang masining na paglalapat ng tunog sa pamamagitan ng IBA’IBANG KAGANAPAN at paggamit ng MATATALIM na dayalogo sa pelikula*

BEST SOUND EDITING

Dukit

*Mahusay ang pagkaka-edit ng tunog na mas lalong nagpaigiting sa KALAKASAN ng ritmo at daloy ng pelikula*

BEST COSTUME DESIGN

Boy Golden: Shoot To Kill

*Naipakita sa pelikula ang MATAPANG at PALABANG karakter ng mga tauhan sa kanilang pananamit o kasuotan. Naisakatuparan na mapalutang sa pamamagitan ng costume ang panahon at REALIDAD ng lokasyon*

BEST MAKE UP AND HAIRSTYLLING

Death March

*Naging epektibo ang paggamit ng make up para mapalutang ang BAKAS NG DIGMAAN na siyang nilalaman ng pelikula*

BEST VISUAL EFFECT

Pagpag

*Natural na nailahad ang KATATAKUTAN sa pelikula sa mahusay na pagsasanib ng mga elementong teknikal at visual effects*

BEST BREAKTHROUGH ACTRESS

Teri Malvar (Ang Huling Cha Cha Ni Anita)

Image

*Mahusay na naipakita ni Teri Malvar ang KALALIMAN sa pagganap bilang isang batang tomboy. Napalitaw niya ang kanyang karakter sa MAHINAHON at tamang TIMPLA ng emosyon at galaw na naaayon sa kanyang edad*

BEST BREAKTHROUGH ACTOR

Vince Tanada (Otso)

Image

*Napaglaruan ng husto ni Vince Tanada ang kanyang karakter bilang isang scriptwriter sa isang indie film na nagbigay ng kakaibang BRILYO at LAWAK sa pelikula*

BEST CHILD PERFORMER

Barbara Miguel (Nuwebe)

Image

*Nailabas ni Barbara Miguel ang eksaktong imahe ng isang batang BIKTIMA ng karahasan. TAHIMIK subalit umaapaw sa LAMAN ang kanyang pagganap*

*SPECIAL RECOGNITION*

BEST MOVIE POSTER

Katapusang Labok

Image

BEST MOVIE TRAILER

Babagwa

BEST ENSEMBLE

On The Job

BEST LANGUAGE

Norte, Hangganan Ng Kasaysayan

BEST SHORT FILM/FEATURE

Onang by JE Tiglao

BEST DOCUMENTARY FILM/FEATURE

Nanay Mameng by Adjani Arumpac

BEST ENGLISH LANGUAGE FILM

12 Years A Slave

Image

BEST FOREIGN LANGUAGE FILM

Blue Is The Warmer Color (France)

Image

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: