v&v (VENUS AND VILLAR) HAVE SOMETHING IN COMMON?

Published Abril 20, 2010 by putrizk

Maaari daw maibalik and korona ni Maria Venus Raj in a condition na dapat makakuha siya ng valid Philippine transport este passport pala.. Siguro naman ay kayang- kaya niyang gawin yun.. Kung kinaya niyang gawin na ipaglaban ang korona eh dapat tapusin niya ang kanyang nasimulan, di ba?

Ayon naman sa mga matatabil ang dila ay may alingasngas daw na bet talaga ng Bb. Pilipinas na ipadala ay ang 2nd Runner Up na si Nicollete na hindi ko na matandaan ang apelyido haha! Kaya naman pala atat na atat silang bawiin ang bwisit na koronang yan kay Venus kasi naman ay may manok sila sa katauhan ni Nicollete.

Napapansin ko ring habang tumatagal ay lumilitaw ang tunay na ganda ni Venus sa mga interview sa kanya, in fairness may K talaga siyang maging pambato ng ating bansa sa gaganaping Miss Universe Pageant.

Napanuod ko ang interview niya sa The Buzz with Boy Abunda and she said na she was honest from the start by telling BPCI, including in many interviews she had with them, that she was born in Qatar (although she admitted that her birth certificate erroneously states that she was born in the Philippines) but was brought to the Philippines by her mother when she was just one month old and grew up here. She also said that she told BPCI that she was born out of wedlock and that her father was of Indian origin who she has never met.

”This is why gusto niyang ipaglaban ang mahiwagang korona bilang isang Bb. Pilipinas Universe as she was honest with BPCI from the start and that she did not break any rules.”

Sa dinami rami ng mga na dethroned, tanging siya lang ang naglakas loob na umapela sa baranggay este sa korte upang mabigyang hustisya ang lahat lahat ng kanyang pinaghirapan (take note ”lahat lahat”) at lahat lahat ng kanyang pinagdaanan matamo lamang ang matamis na tagumpay na hindi pa man nagiinit sa kanyang mga palad ay binawi rin agad.

Masasabi kong kahanga- hanga si Maria Venus Raj sapagkat bilang isang babaeng Pilipina may karapatan siyang ipahayag at ipaglaban ang sa palagay niya ay tama at huwag matakot gawin ang sa palagay niya ay hindi makakabawas sa kanyang pagkababae at sa kanyang pagkatao.

Nasa kanya na ang desisyon, ang tanong na lang ay kung paano niya haharapin ang magiging bunga nito sa hinaharap.

Maka MAHIRAP ba talaga si Presidentiable candidate Manny Villar?

Bakit ba yung ipinagmamalaki niyang bahay nila noon eh ganun pa din? Wala man lang ba siyang ginawa upang mabago iyon? front lang ba yun? Hindi ba nasa real estate ang pamilya ni Villar? Ang ipinakitang bahay nila sa tondo bakit di niya nagawang ipaayos? Sa dami ng bagyong dumating sa ating bansa napanatili pa ring nakatindig ang nasabing bahay at walang nakatira. Ano kaya kung pinagawa niya na parang Bliss iyon at doon pinatira ang mga kababayan niyang walang matirhan at mga taga iskwater, Malamang mas nagkaroon pa ng magandang kahulugan? Hay MV ika nga ni baby James “Veeyar Bola” haha!

Poor, very poor or not so poor, Villar was still POOR, Whats so big a deal if they lived in that subdivision in Balut, Tondo, that was still Tondo of the slums. The liberals especially Aquino are simply scared of Villar that a simple matter like the POORNESS OF VILLAR is being put to light in media.

Now that LAKAS KAMPI is falling apart, expect more defections to Nacionalista Party. The Zubiris of Bukidnon, the Garcias of Cebu and the Singsons of Ilocos Sur are all known LAKAS KAMPI stalwarts but are now with Villar. Think of how many votes they can deliver to Villar come on May 10.

Para sa aking sariling opinyon, mas gugustuhin ko ng manalo sinuman sa mga tatakbo sa pagka pangulo huwag lang si Villar… bakit? sa akin na lang yun haha!

Venus Raj at Manny Villar, magkapareho sa 4 na dahilan…..

Una, parehong galing sa hirap.

Pangalawa, parehong handang ipaglaban ang kanilang karapatan. Si Venus, Karapatang mabawi ang korona at kumatawan sa ating bansa bilang Bb. Pilipinas Universe at si Villar naman ay ang karapatang ipaglaban ang maiiwang pwesto ni GMA.

Pangatlo, Parehong sikat at napapanahong personalidad ngayon, sa telebisyon man, sa radyo at sa mga pahayagan.

At ikaapat, parehong uhaw sa exposures at sa interviews. Hindi pa ba halata yun? Hindi pa ba ebidensya ang sandamukal na political ads ni Villar at ang kabi-kabilang TV interviews ni Venus sa iba’t ibang istasyon. Pansinin niyo lang, they have something in common di ba?

Advertisements

One comment on “v&v (VENUS AND VILLAR) HAVE SOMETHING IN COMMON?

  • Mag-iwan ng Tugon

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: