BATAS MILITAR: Posible pa ba?

Published February 16, 2010 by putrizk

Tahimik noon dahil kapag nagsalita ka laban kay Marcos, diretso ka sa kulungan. Tahimik noon dahil walang mangahas magsalita. Kainitan noon ng cold war kaya suportado ng mga Amerikano ang Batas Militar ni Marcos dahil sa lumalakas na kilusan ng mga kumunista. Tahimik noon dahil pagdating ng 12 ng gabi, lahat ng tao nasa loob na ng bahay. Pati buhok ng mga lalaki, gugupitin ng PC kapag may kahabaan. Takot ang mga tao sa pulis at sundalo dahil sila ang batas.

Dahil tahimik at takot ang mga tao ng panahong iyon, walang pakundangan ninakawan ang kaban ng bayan. Ang mga malalaking kumpanya napunta sa mga crony. Si Imelda nagpasasa sa kagarbohan.

Samantala, nawawala ang mga kumakalaban kay Marcos. Marami pa rin ang mga deseparacidos hanggang ngayon. Marami ang nagdusa sa kulungan.

OK sana kung nagpakatotoo lang si Marcos. Nasa kanya na ang pagkakataon para mapaunlad ang Pilipinas dahil sa “political stability”. Pwede niyang gawin ang sa palagay nya ay magpapaunlad sa Pilipinas. Pero kabaligtaran ang nangyari. Mas pinahalagahan nya ang kanyang interes at interes ng kanyang mga kamag anak at kaibigan. Nagpakayam sila ng husto sa pwesto. Yung mga inutang nya tulad ng sa nuclear power plant, hanggang ngayon binabayaran pa natin. Hirap na hirap pa rin tayo ngayong bawiin yung mga ninakaw sa bayan. Siya ang dahilan kung bakit naghihirap tayo ngayon.

Kamay na bakal ang dapat sa mga Pinoy pero alang dapat ipagpasalamat kay Marcos maliban sa LRT at San Juanico Bridge.

Martial Law in the Philippines was good. But only on its first two years. The rest was a nightmare.

After the horrifiying years of Martial law in the Philippines, Filipinos will never accept “Batas Militar” at least for one or two lifetimes. Yes, Martial law will restore peace and order but with corrupt military officials and a corrupt government system around how can you guarantee it will last …

But if there’s one thing good about this, its got to be Madam’s taste. I mean, The Cultural Center of the Philippines Complex was at its best. And Basta may bisita si Tita Meldy or may project na beautication sa kahit saang parte ng bansa, no limit budget.

Basta di Imelda ang nagpa-ayos, siguradong world class ang dating. The plan to construct five star hotels on every major city in the Philippines was Tita Meldy’s idea.

If not for her “crimes” during martial law, i would nomite her as tourism secretary. I’m sure, gaganda ang Pilipinas.

But that’s just one side of it …

Nung nmga unang taon ng martial law ay naging maganda. Iba’t ibang infra projects ang naipatayo, pero sumama na nung mga sumunod na taon, naging magulo. Pinatupad niya ang martial law, at lahat ng sumalungat sa kanya ay tatlo lang ang pinupuntahan: ospital, kulungan or simenteryo…

It was not martial law, anyways,

Marami namang dictator dyan like Lee Kuan Yew and Mahatmir…I don’t know kung lahat agree na dictator sila but they act like one. They ruled with an iron fist but iba yung purpose nila, pinaunlad nila yung bansa nila. Di tulad ni marcos na walang ginawa kundi pahirapan tayo, siguro kung hindi sya naging presidente hindi aabot yung $-P rate to 50 ngayon baka 10 is to 1 lang or mas mababa pa.

Sabihin na natin ginawa nila yang CCP and LRT…eh sila rin naman yung caused ng CPP, NPA, MNLF, MILF, at iba pang ABCDEDFG

Di ko nga maintindihan baket ang dami pang politiko nuong panahon ni Marcos eh nasa posisyon pa rin ngayon. Ano na lang nangyari sa People power 1 n 2….I don’t it was even a revolution kasi yung president and cabinet lang ang pinalitan….kung me revolution man dapat lahat ng nasa government papalitan!!!

Kung sa Kasalukuyang panahon ito magaganap, parang isang sampal na ito sa ating pagka Pilipino sa kadahilanang matapos natin itong pagdaanan ng mahigit kumulang sa sampung taon, malalasap na naman ba natin ang ganitong klaseng kalupitan?Ang pagalis ng kalayaan sa kahit anong paraan ay hindi kailangang maulit pa.

Tama na ang minsan……

One comment on “BATAS MILITAR: Posible pa ba?

  • Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: