MAY KATAPUSAN

Published Pebrero 11, 2010 by putrizk

Bawa’t Umaga sa Piling Niya

ni olivercarlos

Sa bawa’t paghaplos ng silahis sa kurtina,

sinusulyapan ko ang mahahaba niyang pilikmata;

hinahagkan ang pisngi, hanggang ang pinid niyang labi

ay dahan-dahang bumuka—sungawan ng matipid na ngiti.

Hindi iyon ang mahalaga,  ang mahalaga’y

narito ka: pabulong kong itinutugon

sa mga tanong niya— kung anong oras na.

Naninibugho ako sa unan. Kapag inaangkin nito at itinatago

ang aliwalas niyang ngiti matapos kong sagutin ang tanong niya.

Gusto kong hatakin, palayo sa kanya, ang sakim na mga minutong

nagpapatagal sa subsob niyang pakikiniig –hindi sa aking mga bisig—

sa tuwing wari’y  gusto niyang dayain pa ang mga umaga.

Gayunma’y matiyaga kong  hinihintay

ang mga pagbangon, ang mga pagsayaw ng itim niyang buhok

na kintab na along naglalaro, tuksong kumukubli sa likod niya’t beywang.

Sa bawa’t paghawi, lalantad sa labing naghahanap ang nagpapakipot na leeg.

Banayad na hahaplusin, kakabisahin ng naglalakbay na daliri ang nakahanay

niyang buto sa gulugod, hanggang muling magising ang alab sa yakap;

tugunin ng titig ang kapwa titig, pagmamahal ang kapwa pagmamahal—

na kaytagal kong inakalang sadyang akin lang

natatapos din pala

maging ang mga walang katapusan

naitatago

sa ngiti

maging ang mga ikinukubli.

Sa kabila ng tuwa at saya na ating nararanasan sa araw-araw, darating at darating  rin ang panahon ng kalungkutan lalo pa’t ang ating kasa-kasama sa bawat kasiyahan ay  isang taong nagkaroon ng malaking puwang sa ating buhay……..

Advertisements

One comment on “MAY KATAPUSAN

  • Mag-iwan ng Tugon

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

    Connecting to %s

    %d bloggers like this: