PUGAD

Published Enero 27, 2010 by putrizk

Buhay-Bahay: Bahay ng aking Buhay

Ang ugat na may pagmamahal,

sa Lumikha ng kalikasan.

Araw-araw, sa pagpasok ko sa unibersidad, iba’t ibang mukha ang aking nakakasama at nakakausap. Kahit na kaming lahat ay sanay magsalita ng Tagalog, makikita at mararamdaman mo pa din ang pagiging “iba” nila sa iyo. Sa pagkilos, pananamit, at paraan kung paano sila magsasalita ng wikang “alam” mo, mahihinuha mo na iba siya, magkaiba kayo ng lupaing pinanggalingan.

Maraming mito at alamat ang nagsasabi tungkol sa paglitaw o pagkalikha ng Pilipinas- kung bakit ito arkipelago, bakit iba-iba ang wika, kaugalian, at kultura. Sa bawat bayan at lalawigan, may kanya-kanyang “pamumuhay” ang bawat isa, at kung minsan, kahit makita mo ang kagandahan ng isang lugar, hinding-hindi mo pa din maiiwanan ang bayang kinalakihan at kinamulatan mo na.

Home Sweet Home

At this point of time, nire-renovate ang bahay namin. At naging ibang-iba ang hitsura nito after so many years. Pagpasok mo, amoy pintura at amoy bagong welding ‘yung mga bakal. Nagmukhang doll house ang bahay namin na mula sa haunted house na puro agiw. Pero mas ok na mukhang doll house ‘yung bahay, kesa naman maging araw-araw na Halloween sa amin.

Old rose at white ang color. May tiles. Nakatirik sa gilid ng creek. Ayan ang bahay namin. At araw-araw, palaging sinasabi ng nanay ko na anytime, eh, lulubog na daw ‘yung bahay namin. Sa creek? Sabi ng nanay ko, hindi daw babagsak ’yun, lulubog lang. LANG. Waw. Lulubog. Saan din tutungo ‘yun? Eh di sa pagkabagsak sa creek. Feeling ko, words of encouragement lang ‘yun ng nanay ko, para hindi kami mag-alala sa kinabukasan namin na baka bigla na lang ‘yung mawala dahil malulunod kami sa “napakalinis” na sapang daluyan ng maiinom na tubig.

Eighteen years na akong nakatira sa barangay namin. Ang nanay ko, 56 years na. 86 years naman si Lola. Pero sa tinagal-tagal naming sa pagtira sa barangay namin, wala kaming permanenteng home address. In other words, NPA kaming matuturingan. NO PERMANENT ADDRESS. Bakit? Dahil bawat isa sa amin eh may sari-sariling ginagamit na house number. 982. 372. 638. Depende sa trip mo. At everytime, dahilan ito ng pagkadelay ng pagdating ng mga sulat at bills. Pero bakit iba-iba ang house number namin? Ang sagot, eh, dahil iyon lang naman ang tanging “visible” na project ng local government, maliban sa pagkakaroon ng Oplan Sagip-Mata, at yearly nila itong pinapalitan, para lang kaming nagbi-bingo.

Mainit sa umaga. Malamig sa gabi at madaling-araw. Parang prigider ‘pag tag-ulan. Parang pugon sa tag-init. Iyan ang temperatura ng bahay namin. Kapag hindi ka nagkasakit, isang malaking himala. Siguro dahil sa lokasyon ng bahay namin, kaya ganyan ang init at lamig. May bukid at sapa sa likod. Maraming puno. At kapag trip ng hangin na bayuhin ang bahay namin, gagawin niya ito. Kapag nangyari ito, asahan ang mga batang mag-aakyatan sa bubong para magpalipad ng saranggola at mag-ala-TITANIC pose. At kasunod nito ang lola kong may hawak ng mahabang patpat… Pamalo daw sa “pusa”.

Malayo mula sa main street ang bahay namin. Dadaan ka pa ng munting eskinita na sa gabi, na parang never ending. At magkakasama ang buong angkan sa loob. We call it, COMPOUND. Yes. Compound. At sa tabi namin, eh, isa pang compound, na katabi ang isa pang compound. Kumbaga sa Britain, may kanya-kanyang kaharian. At malas mo kapag napadpad ka sa compound na puro adik-adik ang mga bata, dahil bago ka makalabas, ipapalapa ka muna sa aso nila na ang pangalan eh alin lang sa dalawa: Doggie o Brownie (negotiable ang pangalan, depende sa kulay), o para hindi gaanong harsh, magkakaroon ng instant rally dahil magsusumbong sila sa lola o lolo nila dahil may ibang batang pumasok sa kanilang teritoryo.

At kung pagsasama-samahin ang mga compounds na ito, makakabuo tayo ng mga magkakapit-bahay, at pagpinagsama-sama ang mga magkakapit-bahay, na may kasamang sietehan, we call it the…(tantararan) BARANGAY!

Barangay…oohh..

Itinuturing ang barangay bilang pinakamaliit na yunit ng bansa. Ayon sa kasaysayan, nanggaling ang salitang ito mula sa Malay word na “balangay” o ang sasakyang-pandagat na ginamit nila noong unang tumapak sila sa Pilipinas. Noon, malaki na ang 50 pamilyang nagsasama-sama sa isang barangay, pero ngayon, umaabot sa libo-libong pamilya ang nagsisiksikan sa mga barangay, hindi pa kasama ang mga squatters.

Siguro, sa maraming tao dito sa Pilipinas, marami ang hindi talaga nakikilala ang kanilang barangay na tinitirhan. Kilala lang nila sa pangalan, sa lokasyon, ngunit hindi man lamang siguro nila inisip kung bakit ganoon ang naging pangalan nito. Malaki ang pagpapasalamat ko sa titser ko noon sa HeKaSi. Nagkaroon kasi siya ng project na alamin ang kasaysayan ng sarili mong barangay. At sa mga na-research ko, nalaman ko na marami ang taga-“sa amin” na hindi nakikilala ang barangay niya, at ngayong nasa kolehiyo na ako at iba’t iba ang barangay na pinagmulan ng mga kaibigan at kaklase ko sa unibersidad, higit kong naisip na bago mo kilalanin ang PILIPINAS, magsimula ka muna sa sarili mo…sa munting lipunan na ginagalawan mo…dahil kung minsan, darating sa buhay ng isang tao ang paghahanap niya ng pagkakakilanlan, kung binigyan nga ba niya ng halaga ang kuwento ng sarili niyang barangay.

LOLOMBOY. Kakatwa sa pandinig. Ibang iba sa pangalan ng mga barangay sa ibang lugar na tulad ng San Jose, Project Ek-ek, o Zone ganyan. Ayon sa mga kuwento-kuwento, dati raw tambakan ng mga “baliw” ang lugar namin. BOY’s TOWN. Pero hindi ako naniwala…mukha ba akong baliw? Kaya ibinasura ko ang teoryang ito at naghanap ng mas makabuluhan. At sa paghahanap ko ng mga kasagutan, napag-alaman kong magkadugtong ang kasaysayan ng kabilang barangay sa kasaysayan namin. DUHAT ang pangalan ng katabi naming barangay. Dahil daw maraming duhat. Pero ayon sa sabi ng mga matatanda, mas marami raw ang duhat noon sa amin. Ngunit nauna nilang ipinangalan ang DUHAT sa kanila, kaya’t nanghiram ang mga ninuno ko sa ibang dila. LUMBOY. Iyan ang tawag ng mga Bisaya sa duhat. Kung bakit sa Bisaya humiram, hindi ko alam. At hanggang ngayon, wala pang nakakaalam kung bakit ganoon.

Ginawa itong hacienda noon ng mga paring Dominikano. HACIENDA DE LOLOMBOY. Noon, sakop pa ng malawak na haciendang ito ang ilang barangay sa bayan namin. At sa maniwala kayo at hindi, isang santo ang tumira sa amin. Yah. Hindi naman sa pagmamayabang. Hindi siya si San Lorenzo Ruiz. Isa siyang Koreano…Yup, you heard it right. Korean. Dahil bago pa pala dumating sila Jang geum at Ju Mong, naunang dumating sa Pilipinas si St. Andrew Kim Tae Gon, at pinili niyang manirahan sa amin. At hanggang ngayon, nananatiling buhay ang mga lugar na kanyang paboritong tambayan. Though, dati palagi ‘yung bukas, medyo sarado na ‘yun ngayon. But at least, nagkaroon ako ng pribilehiyo na umupo at tumambay sa punong manggang madalas niyang iyakan noon dahil sa pangungulila. At nagkaroon din ako ng pagkakataong masulyapan ang mga buto niya.

Anyway, kahit maka-ilang beses na ma-feature sa TV ang barangay namin dahil sa…ahm…”hostess” at…uhm…”callboys”, hinding-hindi ko ito ipagpapalit sa iba. Kahit sa kabilang barangay. Bakit? Dahil ang barangay namin ay isang malaking koleksyon ng kasaysayan, kultura at higit sa lahat…KATATAWANAN.

Kung sa ibang lugar ang pangalan ng mga kalye, eh, ilang-ilang, Maligaya, o pangalan ng mga bundok, sa amin, it is different…VERY DIFFERENT…Magsa-cite na ako ng ilan.

· Kalye Buntisan – sa kasalukuyan, hindi na siya nag-eexist, dahil sa…ahm…problemang dala nito sa pamunuan ng barangay namin. Pugad kasi iyan ng…ehem…alam n’yo na…from the name itself…at na-raid na rin yan ng mga pulis at na-TV pa dahil sa talamak na bentahan ng mary jane at “stones”.

· Kalye Pulong Diablo (Pogies Street) – Nasa proseso pa ako ng pagreresearch kung bakit POGI ang kalsada na ‘yun at siya bakit island of devils. Ironic nga eh. Dahil sa lugar na ‘yun, may itinuturing silang iba pang patron liban sa patron talaga namin. ‘Yung “Sto. Niño de Sapa”. Isa siya sa daan-daang version ng Sto. Niño sa bansa. At nakasakay yan sa bangka, with matching isda.

· Mendoza Street and Morales Street – ang kambal na kalsada. Halos ang dalawang kalye na ito ang bumubuo ang kalakhan ng barangay namin. Para na silang magkapatid. At siyempre pag may magkapatid, mayroong favoritism. Bakit? Dahil ang Mendoza Street, aspaltado. Ang Morales, hindi. At ang weird pa, eh, halos magkatabi na ito.

· “Bukid” – hindi talaga siya bukid. Wala na din ngang damo sa lugar na iyon. At higit sa lahat, sementado pa ‘yun. Castro Street talaga ang pangalan nun.

· Gasang – ito ang aming mini-beach. Pagawaan talaga siya ng mga animal feeds, pero bago pa maging iyon maging feeds, naging shells muna ito. Yeh. Gawa sa shells ang chicken feeds. At bundok bundok na shells ang naroon araw-araw. At kapag umulan, nabubuo ang mga mini-dagat, at feel na feel ko talaga na nasa beach ako.

Iyan ang Lolomboy. Pugad ng kalapati. Taniman ng damo. Lunduyan ng sibilisadong restawran at disco. Daluyan ng kalibugan. Ang aking tahanan. Sa loob ng labimpitong taon, namulat ako sa buhay dito. At ang barangay ko ang nagturo sa akin na maging masaya, maging positibo sa anumang pagsubok na tatahakin ko sa daan ng magulong kalsada ng buhay.

Kalsada

Dito sa amin matatagpuan ang pinakamahabang highway sa buong Pilipinas. Mula sa Monumento, Caloocan hanggang sa Pampanga. Isipin mo kung ilang bayan ang sinagasaan ng kalsadang iyan. Monumento, Valenzuela, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiginto, Malolos, Calumpit, Pampanga. At kung anuman ang halaga nito sa kasaysayan ng bayan at ng lahi ko, hindi ko alam. Pero sa punto ng buhay kong ito, habang nagtatype ng blog na ito, naisip ko. Paano nga ba nakuha ng MC ARTHUR HI-WAY ang pangalan niya? At nagkaroon nga ba ng halaga nito sa pagbuo ng kasaysayan ko? Dahil diyan, may final paper na ako para sa isang subject ko…yehey!

Pero kung halaga lang ang pag-uusapan, higit pa sa kasaysayan siguro ang naidulot nito sa mamamayan ng aking bayan at barangay. Dahil sa gilid ng kalsadang ito nagkaroon ng katuparan ang pantasya ng mga kalalakihan, kababaihan, bakla, tomboy, etcetera etcetera…ang mga BARS at DISCO!!! Paru-paro, Sargies, Songbird, Fortress, Ichiban, D’Amazing, Symphony. Name it! At bawat “restaurant”, may specialty. Pagkain siya, but hindi sa sikmura, kundi ng laman. Yep. Pagkain ng laman. At kayo na ang bahalang maghinuha ng metaporang ‘yan.

Kung landmark ang pag-uusapan, sa McArthur Hiway yan matatagpuan. Mga “mahahalaga” at “sikat” na mga lugar ang matatagpuan sa gilid nito.

  • Monumento ni Andres Bonifacio­ – ang pinakasikat na bantayog sa Caloocan. Kaya nga tinawag ang lugar na ito as MONUMENTO. At sa paligid niyan, eh, may mga tiangge at “malls”.
  • Our Lady of Fatima University­ – isang unibersidad na matatagpuan sa Valenzuela
  • SM City Valenzuela at SM City Marilao­ – ilan lang iyan sa mga branch ng SM sa buong bansa. Iyan din ang paboritong tambayan ng mga init na init na sa mga bahay-bahay nila
  • Sargies – ang pinakasikat na, itatago na lang natin sa mga katagang “bar and restaurant”. Araw-araw, eh, color coordinated ang mga “staff and crew” ng naturang “bar and restaurant”. Pero ito ang restaurant na “nocturnal”. Same as the other restaurants, it offers quality girls…este…service…at night.
  • Joner’s Supermaket – ang SM noong wala pa ang mga SM. Ito ang paborito naming tambayan noong bata pa kami. Itinuturing na naming pribilehiyo ang makapasok at bumili dito.
  • Jesus is Lord Colleges Foundation – ang paaralan ng tumakbo sa pagka-presidente noong 2004, si Bro. Eddie Villanueva. Iyan na siguro ang pinakamataas na istruktura sa bayan namin.
  • Tawiran – ang pinakamurang paraan ng transportasyon. Dalawang piso lang. Tatawirin lang ang ilog. Ito ang mabilis na paraan para makapunta sa isang barangay sa town proper.
  • Queen of Angels Monastery – tambayan namin noong high school pa kami. Dasalan pag masaya, may problema, o kung gusto mo lang makausap si Papa God. Umiyak na ako minsan diyan, at diyan ako unang nagpasalamat sa Kanya nung nalaman kong nakapasa ako sa UP.
  • Shell – Aiee! Bigla kong namiss ang barkada ko. Ito ang tambayan namin bago kami umuwi ng kanya-kanya naming mga bahay. Tsikahan, kainan sa may mga mesa at upuan sa Shell Shop. Inaabot kami ng alas sais sa pagtsitsikahan lang. Naalala ko pa na kinumpiska ang mga ID namin dahil hindi kami matigil-tigil sa pagtambay doon. HAY… HIGH SCHOOL days…
  • Sto. Niño Academy – ang aking Inang Paaralan. Dito nabuo ang iba’t iba kong pangarap at galit sa buhay. Dito rin nabuo ang barkada kong sure na panghabang-buhay. Mahigpit ang mga rules at regulations ng school. At na-culture shock talaga ako ng nag-college ako. Ibang iba ang high school.
  • Bocaue Flyover – ang newest at magnificent structure ng bayan namin. Amoy Maynila. Minsan pag napagtitripan kong sumasakay sa jeep na paakyat nito. At magtitiis na maglakad, makatawid lang.

Siyempre ‘yung mga landmark lang na lagi kong nadadaanan ang alam ko. Bahala na dun sa iba. Nakakatamad nang magsulat. HAHAHAHA…ako nag tinamad. Sarap makinig ng music…AKAZUKIN CHACHA.

Iba ang amoy ng bayan namin. Bagamat polluted na din ang Bocaue, hinding-hindi ko ito ipagpapalit sa ibang bayan. Saan ka pa? Ang bayan namin ang FIREWORKS CAPITAL OF THE PHILIPPINES. At sa pagsisimula ng taon, sikat na kami.

430 years na ang Kristiyanismo dito. May nagbago ba? Sa barangay namin tumira ang isang santo. Anung nangyari? Mura ang paputok dito. Pilipino nga ba ang gumawa? Siguro isang malaking pagsubok sa akin ang project ko sa isang course ko…(sabi ng teacher ko sa Voice and Diction, hindi daw course, dapat DEGREE; hindi daw subject, dapat COURSE)…Alamin ang kasaysayan ng iyong bayan, ang kasaysayang hindi naisulat, at ang kasaysayang walang nakakaalam. Saya! Magsisimula ulit ako sa una. Magsisimula ulit akong mangilala.


Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: