HILIG!!!

Published Enero 25, 2010 by putrizk

Tuesday, July 22, 2008

Ang Lalake sa Takip-silim…

Kung walang magpapaloko… wala ring maloloko! Ito ay isang mabigat na kasabihan na sa ayaw man natin at sa hindi e talagang may katotohanan.

Si Goring, sa dinami-dami ng kanyang karanasan sa lalake. Hindi na mabilang ang pait ng nakalipas at kung ilang timba na ng luha ang kanyang iniyak. Matagal-tagal na rin na may kinahuhumalingang lalake si Goring. Itago natin sya sa pangalang DODONG. Ang katotohanan dito e hindi pa alam ni Goring ang tunay na pangalan ni Dodong pero makailang beses na rin silang nagkita ngunit hindi nagkausap. Magdadalawang buwan na ring bukas ang linya ng dalawa sa paguusap at iyon nga lang nakakapag usap ang dalawa pagsapit ng takip-silim. Parehong abala sa trabaho ang dalawa kaya walang oras para magkatagpo.

Gustung-gusto ni Goring makipagkita kay Dodong. Handa siyang iwan ang trabaho alang-alang lang kay Dodong ngunit medyo naging mailap si Dodong. Palagi silang nagkakausap at palaging nararamdaman ni Goring ang pagka simpatiko at maaalalahanin ni Dodong. Hanggang sa nahulog na ang loob ni Goring kay Dodong.

Ito ang kabaliwan ng pag-ibig. Dahil na rin sa kapusukan ni Goring nahulog ang loob nya kay Dodong. Magaling magtago ng emosyon si Goring, hindi nito pansin ng barkada sa kadahilanang naniniwala si Goring na malamang ito na ang sagot at kalutasan ng matagal nyang hinahanap. Ang bagong PAG-IBIG.

Ilang linggo na rin na hindi nagpaparamdam si Dodong. Nag-alala si Goring. Kinaelangan ni Goring na itigil ang mga nakasanayan nyang gawin. Ang makipag pen-pal, eyebol at SOP. Dumating sa punto na medyo kinaelangan ni Goring magbago. May pagkarebelde pero matatag pa rin ang kalooban at alam kung ano ang gusto.

Napag isip-isip ni Goring na kelangan nya ng putulin ang kahumalingan nya kay Dodong at kung saan pa ito mapunta. Kelangan lang nyang makausap si Dodong sa huling pagkakataon.

At dumating na ang oras, biglang nagparamdam si Dodong. Walang kamatayang kumustahan at kung ano ano pa ang nangyari. Sa dulo ng paguusap ng dalawa, pinutol ni Goring si Dodong at ito’y nagpaalam na. Sinabi ni Goring na kinaelangan nyang putulin ang anumang naguugnay sa kanila sa kadahilanang wala naman itong patutunguhan. Sinabi ni Goring na pag tatawag pa ulit si Dodong hindi na nya ito kakausapin subalit sa panahong aksidente silang magkita sa daan ibubukas nya ang pinto ng kanyang puso at sisimulan ang bagong pakikipagkaibigan kay Dodong. Tinangap ng maaliwalas ni Dodong ang desisyon ni Goring. Binigyan nya ito ng isang alaala at sinabi kay Goring na isa-isip nya ito lagi at ito ang gagabay sa mga adhikain nya sa buhay.

Mabuhay ka Goring! Sa lahat ng mga ginawa nyang hindi maganda sa buhay natuto na si Goring sa realidad.

Isang Dodong, (na sa hinagap e hindi pa nya nakikita ng personal), lang pala na nakilala nya sa takip-silim ang makapagpapabago ng lahat sa buhay ni Goring!

(Radyo, Dyaryo, Telebisyon…Komiks ng Isang Biloc)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: